NCST Hymn
Inang Paaralan, gabay ng aming diwa,
Dunong mong dulot, hindi malilimutan.
Dahil sa’yo, ay nagkulay,
Umakay ng tapat sa bagong umaga.
Inang Paaralan, gabay ng kabataan,
Hangad mo sa amin ay magandang kinabukasan.
Abot-tanaw na ang aming tagumpay,
Ika’y paaralang nagsisilbing tanglaw.
Chorus:
NCST… Pangako ko’y di malilimutan,
Kahit saan, pangalan mo,
Lagi kong iingatan.
Na tulad mong mapagmahal,
Makatao’t makabayan,
At… higit sa lahat,
Maka-Diyos, makakalikasan.
Repeat Chorus
At… higit sa lahat,
Maka-Diyos, makakalikasan.
NCST Mantra
I am proud to be an NCST student
I will excel for God, for country, and for NCST
Panahon na para ikarangal ako ng aking mga magulang at ng aking bansa
Kaya gagawin ko ang tama, may nakakakita man o wala
Ako ang makabagong Pilipino may disiplina, may tiyaga, at masipag
Ito ay paninindigan ko